Hebrews 11:2 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Tunay na sa pamamagitan nito ang mga tao noong una ay tumanggap ng patotoo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dahil sa pananampalataya ng mga ninuno natin, kinalugdan sila ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang pananampalataya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.