Hebrews 11:21 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa pananampalataya, si Jacob nang mamamatay na ay binasbasan niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose, at sumamba sa ibabaw ng kanyang tungkod.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dahil sa pananampalataya, binasbasan ni Jacob ang mga anak ni Jose bago siya namatay. At sumamba siya sa Dios habang nakatukod sa kanyang tungkod.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil sa pananampalataya sa Diyos, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. Humawak siya sa kanyang tungkod at sumamba sa Diyos.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil sa pananampalataya sa Diyos, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. Humawak siya sa kanyang tungkod at sumamba sa Diyos.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil sa pananampalataya, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. Humawak siya sa kanyang tungkod at sumamba sa Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.