Hebrews 12:22 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit kayo'y lumapit sa Bundok ng Zion, at sa lunsod ng Diyos na buhay, sa makalangit na Jerusalem, at sa mga di mabilang na mga anghel, sa isang masayang pagtitipon,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit hindi ganito ang paglapit nʼyo sa Panginoon. Dahil ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion, ang lungsod ng Dios na buhay, ang Jerusalem na nasa langit na may libu-libong anghel na nagtitipon nang may kagalakan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lunsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lunsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,