Hebrews 13:4 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Maging marangal sa lahat ang pag-aasawa, at huwag dungisan ang higaan, sapagkat ang mga nakikiapid at ang mga mangangalunya ay hahatulan ng Diyos.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Dios ang mga nangangalunya at ang mga imoral.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagkat ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dapat igalang ng lahat ang pagsasama ng mag-asawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dapat igalang ng lahat ang pagsasama ng mag-asawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.