Hebrews 3:15 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gaya ng sinasabi, "Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa paghihimagsik."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo nang naghimagsik sila laban sa Dios.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.