Hebrews 4:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat tayong sumasampalataya ay pumapasok sa kapahingahang iyon, gaya ng sinabi ng Diyos,'' "Gaya ng aking isinumpa sa aking pagkagalit, sila'y hindi papasok sa aking kapahingahan," bagama't ang mga gawa niya mula nang itatag ang sanlibutan ay natapos na.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Tayong mga sumasampalataya ang magkakamit ng kapahingahang mula sa Dios. Ngunit hindi ito makakamit ng hindi sumasampalataya, dahil sinabi ng Dios, “Sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” Hindi ibig sabihin na wala pa ang kapahingahan. Ang totoo, nariyan na ito mula pa nang likhain ang mundo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Silay hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagamat ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tayong mga sumampalataya ang nakatanggap ng kapahingahang ipinangako. Ito'y ayon sa kanyang sinabi, “Sa galit ko'y aking isinumpa, ‘Hindi sila makakapasok at hindi makakapagpahinga sa aking piling.’” Sinabi niya ito kahit tapos na niya ang kanyang mga gagawin mula nang likhain ang sanlibutan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tayong mga sumampalataya ang nakatanggap ng kapahingahang ipinangako. Ito'y ayon sa kanyang sinabi, “Sa galit ko'y aking isinumpa, ‘Hindi sila makakapasok at hindi makakapagpahinga sa aking piling.’” Sinabi niya ito kahit tapos na niya ang kanyang mga gagawin mula nang likhain ang sanlibutan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tayong mga sumampalataya ay tumatanggap ng kapahingahang ipinangako. Ito'y ayon sa kanyang sinabi, “Sa galit ko'y aking isinumpa, ‘Hindi sila makakapasok sa lupain ng kapahingahang aking ipinangako.’” Sinabi niya ito kahit tapos na niya ang kanyang mga gagawin mula nang likhain ang sanlibutan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.