Hebrews 8:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At hindi magtuturo ang bawat isa sa kanila sa kanyang kababayan, o magsasabi ang bawat isa sa kanyang kapatid, 'Kilalanin mo ang Panginoon,' sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila sa kanila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At hindi magtuturo ang bawat isa sa kaniyang kababayan, At ang bawat isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing, Kilalanin mo ang Panginoon: Sapagkat akoy makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi na kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo ang Panginoon.’ Sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi na kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo ang Panginoon.’ Sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi na kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo ang Panginoon.’ Sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan, At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing, Kilalanin mo ang Panginoon: Sapagka't ako'y makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila.