Hebrews 8:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit ngayo'y nagtamo si Cristo ng ministeryong higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan sa isang higit na mabuting tipan na pinagtibay sa higit na mabubuting pangako.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Jesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat ngayoy kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal, palibhasay siya namay tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Jesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, dahil siya'y tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti, sapagkat ang tipang ito ay nababatay sa mas maiinam na pangako.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Jesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, dahil siya'y tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti, sapagkat ang tipang ito ay nababatay sa mas maiinam na pangako.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Jesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, dahil siya'y tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti, sapagkat ang tipang ito ay nababatay sa mas maiinam na pangako.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako.