Hebrews 8:9 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
hindi ayon sa tipang aking ginawa sa kanilang mga ninuno, nang araw na hawakan ko sila sa kamay, upang sila'y ihatid papalabas sa lupain ng Ehipto, sapagkat sila'y hindi nagpatuloy sa aking tipan, kaya't ako'y hindi nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi ito katulad ng kasunduang ginawa ko sa mga ninuno nila noong akayin ko sila palabas sa Egipto. Hindi nila sinunod ang unang kasunduang ibinigay ko sa kanila, kaya pinabayaan ko sila.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na silay aking tangnan sa kamay, upang silay ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagkat silay hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi tulad ng kasunduang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Sapagkat hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin, kaya't sila'y aking pinabayaan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi tulad ng kasunduang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Sapagkat hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin, kaya't sila'y aking pinabayaan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi ito magiging katulad ng tipang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Sapagkat hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin, kaya't sila'y aking pinabayaan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.