Hosea 14:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ako'y magiging tulad ng hamog sa Israel; siya'y mamumukadkad gaya ng liryo, at kakalat ang kanyang ugat tulad ng Lebanon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagpapalain ko ang mga taga-Israel; akoʼy magiging parang hamog sa kanila na nagbibigay ng tubig sa mga halaman. Sila ay uunlad gaya ng halamang liryong namumulaklak. Sila ay magiging matatag tulad ng puno ng sedro sa Lebanon na malalim ang ugat.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Akoy magiging parang hamog sa Israel: siyay bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ako'y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel. Mamumulaklak siyang gaya ng liryo, at mag-uugat din siyang tulad ng sedar.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ako'y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel. Mamumulaklak siyang gaya ng liryo, at mag-uugat din siyang tulad ng sedar.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ako'y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel. Mamumulaklak siyang gaya ng liryo, at mag-uugat din siyang tulad ng sedar.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ako'y magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.