Hosea 4:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y naghahandog ng mga alay sa mga tuktok ng mga bundok, at nagsusunog ng kamanyang, sa ilalim ng mga ensina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagkat ang lilim ng mga iyon ay mabuti. Kaya't ang inyong mga anak na babae ay naging bayarang babae, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Naghahandog kayo sa tuktok ng mga bundok at mga burol, sa ilalim ng matataas at mayayabong na mga kahoy, dahil masarap lumilim doon. Kaya ang inyong mga anak na babae ay nakikipagsiping sa mga lalaki at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Silay nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagkat ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kayat ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nag-aalay sila ng mga handog na susunugin sa mga sagradong bundok, at nagsusunog ng mga handog sa ibabaw ng mga burol, sumasamba sila sa ilalim ng mga ensina, alamo at roble, sapagkat mayabong ang mga ito at malawak ang lilim. Kaya't nakikipagtalik kahit kanino ang iyong mga anak na dalaga, at nangangalunya naman ang mga manugang mong babae.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nag-aalay sila ng mga handog na susunugin sa mga sagradong bundok, at nagsusunog ng mga handog sa ibabaw ng mga burol, sumasamba sila sa ilalim ng mga ensina, alamo at roble, sapagkat mayabong ang mga ito at malawak ang lilim. Kaya't nakikipagtalik kahit kanino ang iyong mga anak na dalaga, at nangangalunya naman ang mga manugang mong babae.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nag-aalay sila ng mga handog na susunugin sa mga sagradong bundok, at nagsusunog ng mga handog sa ibabaw ng mga burol, sumasamba sila sa ilalim ng mga ensina, alamo at roble, sapagkat mayabong ang mga ito at malawak ang lilim. Kaya't nakikipagtalik kahit kanino ang iyong mga anak na dalaga, at nangangalunya naman ang mga manugang mong babae.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sila'y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.