Hosea 5:4 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Hindi sila pinahihintulutan ng kanilang mga gawa na manumbalik sa kanilang Diyos. Sapagkat ang espiritu ng pagiging bayarang babae ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Ang inyong masasamang gawain ang pumipigil sa inyo upang magbalik-loob sa akin na inyong Dios. Sapagkat nasa puso ninyo ang espiritung nag-uudyok sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, at hindi ninyo ako kinikilalang Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagkat ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil sa kanilang mga ginawa, hindi na sila makapanumbalik sa Diyos. Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan, at hindi nila nakikilala si Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil sa kanilang mga ginawa, hindi na sila makapanumbalik sa Diyos. Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan, at hindi nila nakikilala si Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil sa kanilang mga ginawa, hindi na sila makapanumbalik sa Diyos. Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan, at hindi nila nakikilala si Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon.