Hosea 8:14 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat nilimot ng Israel ang Lumikha sa kanya, at nagtayo ng mga palasyo, at nagparami ang Juda ng mga lunsod na may kuta, ngunit magsusugo ako ng apoy sa kanyang mga lunsod, at tutupukin nito ang kanyang mga tanggulan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kinalimutan ng mga taga-Israel ang lumikha sa kanila. Sila at ang mga taga-Juda ay nagtayo ng mga palasyo at maraming napapaderang bayan. Pero susunugin ko ang kanilang mga lungsod at ang matitibay na bahagi nito.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; ngunit magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kinalimutan ng Israel ang lumikha sa kanya, at nagtayo siya ng mga palasyo. Ang Juda nama'y nagparami ng mga lunsod na may pader, subalit lalamunin ng apoy ang kanilang mga lunsod at mga palasyo.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kinalimutan ng Israel ang lumikha sa kanya, at nagtayo siya ng mga palasyo. Ang Juda nama'y nagparami ng mga lunsod na may pader, subalit lalamunin ng apoy ang kanilang mga lunsod at mga palasyo.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kinalimutan ng Israel ang lumikha sa kanya, at nagtayo siya ng mga palasyo. Ang Juda nama'y nagparami ng mga lunsod na may pader, subalit lalamunin ng apoy ang kanilang mga lunsod at mga palasyo.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.