Isaiah 13:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Aking parurusahan ang sanlibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang masasama dahil sa kanilang kabuktutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng malulupit.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang mundo dahil sa kasamaan nito. Parurusahan ko ang mga makasalanan dahil sa kanilang kasalanan. Wawakasan ko ang kahambugan ng mayayabang. Patitigilin ko ang pagmamataas ng mga taong malupit.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)