Isaiah 13:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Hindi ito matitirahan kailanman, ni matitirahan sa lahat ng mga salinlahi, ni magtatayo roon ng tolda ang taga-Arabia, ni pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang kawan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At hindi na ito titirhan magpakailanman. Walang Arabong magtatayo roon ng kanyang tolda. At wala ring pastol na mag-aalaga roon ng kanyang mga tupa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Hindi matatahanan kailan man, ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Wala nang taong maninirahan doon kahit kailan, wala nang Arabong magtatayo ng tolda roon, wala nang pastol na mag-aalaga ng tupa doon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Wala nang taong maninirahan doon kahit kailan, wala nang Arabong magtatayo ng tolda roon, wala nang pastol na mag-aalaga ng tupa doon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Wala nang taong maninirahan doon kahit kailan, wala nang Arabong magtatayo ng tolda roon, wala nang pastol na mag-aalaga ng tupa doon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)