Isaiah 14:9 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang Sheol sa ibaba ay kinilos upang salubungin ka sa iyong pagdating; pinupukaw nito ang mga lilim upang batiin ka, ang lahat na mga pinuno ng lupa; itinatayo nito mula sa kanilang mga trono, ang lahat na hari ng mga bansa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na silang salubungin ka. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid bagay ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.