Isaiah 15:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang aking puso ay dumadaing para sa Moab; ang kanyang mga tao ay nagsisitakas sa Zoar, sa Eglat-shelishiya. Sapagkat sa ahunan sa Luhith ay umaahon silang nag-iiyakan; sa daan patungong Horonaim ay humahagulhol sila sa kapahamakan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nalungkot ako dahil sa nangyari sa Moab. Nagsitakas ang kanyang mga mamamayan papuntang Zoar hanggang sa Eglat Shelishiya. Nag-iiyakan sila habang umaahon papuntang Luhit. Ang iba sa kanila ay humahagulgol patungo sa Horonaim, dahil sa kanilang sinapit.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, sa Eglat-selisiyah: sapagkat sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagkat sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nahahabag ako sa Moab, nagsisitakas ang kanyang mamamayan patungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya. Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit, humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim, dahil sa kapahamakang kanilang sinapit.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nahahabag ako sa Moab, nagsisitakas ang kanyang mamamayan patungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya. Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit, humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim, dahil sa kapahamakang kanilang sinapit.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nahahabag ako sa Moab, nagsisitakas ang kanyang mamamayan patungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya. Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit, humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim, dahil sa kapahamakang kanilang sinapit.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, sa Eglat-selisiyah: sapagka't sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka't sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.