Isaiah 16:12 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At kapag ang Moab ay humarap, kapag siya'y pagod na sa mataas na dako, kapag siya'y pumaroon sa kanyang santuwaryo upang manalangin, ay hindi siya mananaig.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mapapagod lang ang mga taga-Moab sa kababalik sa kanilang mga sambahan sa matataas na lugar. At wala ring kabuluhan ang kanilang pagpunta nila sa templo para manalangin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siyay napagod sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Umahon man ang mga taga-Moab sa kanilang mga altar sa mga sagradong burol, at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo, wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Umahon man ang mga taga-Moab sa kanilang mga altar sa mga sagradong burol, at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo, wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Umahon man ang mga taga-Moab sa kanilang mga altar sa mga sagradong burol, at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo, wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.