Isaiah 18:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
na nagpapadala ng mga sugo sa gilid ng Nilo, sa mga sasakyang-papiro sa ibabaw ng karagatan! Humayo kayo, maliliksing sugo, sa bansang mataas at patag, sa bayang kinatatakutan sa malayo at malapit; isang bansang makapangyarihan at nananakop, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mula sa lugar na ito ay may mga sugong nakasakay sa sasakyang yari sa tambo at dumadaan sa Ilog ng Nilo. Kayong mabibilis na sugo, bumalik na kayo sa inyong lupain na hinahati ng mga ilog. Bumalik na kayo sa inyong mga mamamayan na matatangkad at makikinis ang balat, mga taong makapangyarihan at kinakatakutan kahit saan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid bagay sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
mula roo'y may dumating na mga sugo sakay ng mga bangkang yari sa tambo, at sumusunod sa agos ng Ilog Nilo. Bumalik na kayo, mabibilis na tagapagbalita, sa inyong lupain na hinahati ng mga ilog, sa inyong bayan na ang tao'y matatangkad at makikinis ang balat, bayang kinagugulatan ng lahat, makapangyarihan at mapanakop.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
mula roo'y may dumating na mga sugo sakay ng mga bangkang yari sa tambo, at sumusunod sa agos ng Ilog Nilo. Bumalik na kayo, mabibilis na tagapagbalita, sa inyong lupain na hinahati ng mga ilog, sa inyong bayan na ang tao'y matatangkad at makikinis ang balat, bayang kinagugulatan ng lahat, makapangyarihan at mapanakop.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
mula roo'y may dumating na mga sugo sakay ng mga bangkang yari sa tambo, at sumusunod sa agos ng Ilog Nilo. Bumalik na kayo, mabibilis na tagapagbalita, sa inyong lupain na hinahati ng mga ilog, sa inyong bayan na ang tao'y matatangkad at makikinis ang balat, bayang kinagugulatan ng lahat, makapangyarihan at mapanakop.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!