Isaiah 19:18 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa araw na iyon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Ehipto na magsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa ng katapatan sa PANGINOON ng mga hukbo. Ang isa roo'y tatawaging 'Lunsod ng Araw.'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa araw na iyon, limang lungsod ng Egipto ang susunod sa Panginoong Makapangyarihan, at magsasalita sila sa wikang Hebreo. Isa sa mga lungsod na itoʼy tatawaging, Lungsod ng Araw.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isay tatawagin: Ang bayang giba.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa araw na iyon, limang lunsod sa Egipto ang gagamit ng wikang Hebreo, at manunumpa sila sa pangalan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Isa sa mga lunsod na ito ay tatawaging Lunsod ng Araw.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa araw na iyon, limang lunsod sa Egipto ang gagamit ng wikang Hebreo, at manunumpa sila sa pangalan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Isa sa mga lunsod na ito ay tatawaging Lunsod ng Araw.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa araw na iyon, limang lunsod sa Egipto ang gagamit ng wikang Hebreo, at manunumpa sila sa pangalan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Isa sa mga lunsod na ito ay tatawaging Lunsod ng Araw.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba.