Isaiah 2:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay ibababa, at ang kapalaluan ng mga tao ay pangungumbabain, at ang PANGINOON lamang ang itataas sa araw na iyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Darating ang araw na tanging ang Panginoon lamang ang pupurihin. Ibabagsak niya ang mayayabang at mga mapagmataas.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)