Isaiah 24:16 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Mula sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit ng papuri, ng kaluwalhatian sa Matuwid. Ngunit aking sinabi, "Nanghihina ako, nanghihina ako, kahabag-habag ako! Sapagkat ang mga taksil ay gumagawa ng kataksilan. Ang mga taksil ay gumagawang may lubhang kataksilan."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Maririnig ang awitan kahit saang dako ng mundo, “Purihin ang matuwid na Dios.” Pero nakakaawa ako. Akoʼy nanghihina! Sapagkat patuloy ang pagtataksil ng mga taong taksil.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Ngunit aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig, bilang papuri sa Diyos na Matuwid. Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako. Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa. Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil. Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig, bilang papuri sa Diyos na Matuwid. Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako. Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa. Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil. Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig, bilang papuri sa Diyos na Matuwid. Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako. Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa. Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil. Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.