Isaiah 26:13 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
O PANGINOON naming Diyos, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay namuno sa amin; ngunit ang pangalan mo lamang ang kinikilala namin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Panginoon na aming Dios, pinamahalaan kami ng ibang panginoon, pero kayo lang ang aming sinasamba.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Oh Panginoon naming Dios, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; ngunit ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
O Yahweh, aming Diyos, may ibang panginoong sa ami'y nanguna, ngunit ang pangalan mo lamang ang aming kinikilala!
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
O Yahweh, aming Diyos, may ibang panginoong sa ami'y nanguna, ngunit ang pangalan mo lamang ang aming kinikilala!
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
O Yahweh, aming Diyos, may ibang panginoong sa ami'y nanguna, ngunit ang pangalan mo lamang ang aming kinikilala!
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Oh Panginoon naming Dios, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.