Isaiah 27:1 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa araw na iyon ay parurusahan ng PANGINOON, ng kanyang matigas, malaki, at matibay na tabak ang leviatan na tumatakas na ahas, ang leviatan na pumupulupot na ahas, at kanyang papatayin ang dambuhala na nasa dagat.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa araw na iyon, gagamitin ng Panginoon ang kanyang matalim at makapangyarihang espada para patayin ang Leviatan, ang maliksi at gumagapang na dragon sa karagatan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa araw na iyon, gagamitin ni Yahweh ang kanyang malupit at matalim na espada; paparusahan niya ang Leviatan, ang tumatakas na dragon, at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa araw na iyon, gagamitin ni Yahweh ang kanyang malupit at matalim na espada; paparusahan niya ang Leviatan, ang tumatakas na dragon, at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa araw na iyon, gagamitin ni Yahweh ang kanyang malupit at matalim na espada; paparusahan niya ang Leviatan, ang tumatakas na dragon, at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)