Isaiah 28:7 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga ito ay sumusuray din dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapay-hapay; ang pari at ang propeta ay sumusuray dahil sa matapang na alak, sila'y nililito ng alak, sila'y pahapay-hapay dahil sa matapang na alak; sila'y nagkakamali sa pangitain, sila'y natitisod sa paghatol.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero ngayon, pasuray-suray ang mga pari at mga propeta, at wala na sa tamang pag-iisip. Mali ang pagkakaunawa ng mga propeta sa mga pangitain, at hindi tama ang mga desisyon ng mga pari.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, silay nangasakmal ng alak, silay pahapayhapay dahil sa matapang na alak: silay nangamamali sa pangitain, silay nangatitisod sa paghatol.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumusuray na sa kalasingan ang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito. Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain; at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumusuray na sa kalasingan ang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito. Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain; at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumusuray na sa kalasingan ang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito. Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain; at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.