Isaiah 5:2 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanyang binungkal iyon at inalisan ng mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, nagtayo siya ng isang toreng bantayan sa gitna niyon, at humukay doon ng isang pisaan ng ubas; at kanyang hinintay na magbunga ng ubas, ngunit nagbunga ito ng ligaw na ubas.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inararo niya ito, inalisan ng mga bato, at tinamnan ng mga piling ubas. Nagtayo siya ng isang bantayang tore sa ubasang ito, at nagpagawa ng pigaan ng ubas sa bato. Pagkatapos, naghintay siyang magbunga ito ng matamis, pero nagbunga ito ng maasim.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato, mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito. Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayan at nagpahukay pa ng balong pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga, ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato, mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito. Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayan at nagpahukay pa ng balong pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga, ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato, mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito. Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayan at nagpahukay pa ng balong pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga, ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?
Tagalog TLBA (Ang Biblia)