Isaiah 51:1 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kayo'y makinig sa akin, kayong sumusunod sa katuwiran kayong naghahanap sa PANGINOON; tumingin kayo sa malaking bato na inyong pinagtapyasan, at sa tibagan na pinaghukayan sa inyo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng Panginoon, “Makinig kayo sa akin, kayong mga gustong maligtas at humihingi ng tulong sa akin. Alalahanin ninyo sina Abraham at Sara na inyong mga ninuno. Katulad sila ng batong pinagtibagan sa inyo o pinaghukayan sa inyo. Noong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya, pero pinagpala ko siya at binigyan ng maraming lahi.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kayoy magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang sabi ni Yahweh, “Dinggin ninyo ako, kayo, na naghahanap ng kaligtasan, at humihingi ng tulong. Pagmasdan ninyo ang batong malaki na inyong pinagmulan, tingnan ninyo ang pinaghuhukayan ng bato na inyong pinanggalingan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang sabi ni Yahweh, “Dinggin ninyo ako, kayo, na naghahanap ng kaligtasan, at humihingi ng tulong. Pagmasdan ninyo ang batong malaki na inyong pinagmulan, tingnan ninyo ang pinaghuhukayan ng bato na inyong pinanggalingan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang sabi ni Yahweh, “Dinggin ninyo ako, kayo, na naghahanap ng kaligtasan, at humihingi ng tulong. Pagmasdan ninyo ang batong malaki na inyong pinagmulan, tingnan ninyo ang pinaghuhukayan ng bato na inyong pinanggalingan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kayo'y magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo.