Isaiah 51:19 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo — sinong makikiramay sa iyo? — pagkagiba, pagkasira, taggutom at ang tabak; sinong aaliw sa iyo?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dalawang sakuna ang nangyari sa iyo: Nawasak ka dahil sa digmaan, at nagtiis ng gutom ang iyong mga mamamayan. Walang naiwan sa mga mamamayan mo, na lilingap at aaliw sa iyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo; sinong makikidamdam sa iyo? kagibaan, at kasiraan, at ang kagutom at ang tabak; paanong aaliwin kita?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dalawang sakuna ang dumating sa iyo; winasak ng digmaan ang iyong lupain at nagkagutom ang mga tao. Wala isa mang umaliw sa iyo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dalawang sakuna ang dumating sa iyo; winasak ng digmaan ang iyong lupain at nagkagutom ang mga tao. Wala isa mang umaliw sa iyo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dalawang sakuna ang dumating sa iyo; winasak ng digmaan ang iyong lupain at nagkagutom ang mga tao. Wala isa mang umaliw sa iyo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)