Isaiah 57:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kapag ikaw ay sumigaw, iligtas ka nawa ng mga diyus-diyosang iyong tinipon! Ngunit tatangayin sila ng hangin, isang hinga ang tatangay sa kanila. Ngunit siyang nanganganlong sa akin ay mag-aari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At hindi talaga makakatulong sa inyo ang inyong mga dios-diosan kapag humingi kayo ng tulong sa kanila. Silang lahat ay tatangayin ng hangin. At mapapadpad sila sa isang ihip lamang. Pero ang mga nagtitiwala sa akin ay maninirahan sa lupa at sasamba sa aking banal na bundok.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; ngunit tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: ngunit siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy; ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip, kaunting ihip lamang, sila'y itataboy. Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa, ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy; ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip, kaunting ihip lamang, sila'y itataboy. Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa, ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy; ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip, kaunting ihip lamang, sila'y itataboy. Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa, ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok.