Isaiah 57:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sa likod ng mga pintuan at ng mga hamba ay itinaas mo ang iyong sagisag; sapagkat hinubaran mo ang iyong sarili sa iba kaysa akin, at ikaw ay sumampa roon, iyong pinaluwang ang iyong higaan; at nakipagtipan ka sa kanila, iyong inibig ang kanilang higaan minasdan mo ang kanilang pagkalalaki.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inilalagay pa ninyo ang mga rebulto ng inyong mga dios-diosan malapit sa pintuan ng inyong mga bahay. Itinatakwil ninyo ako. Para kayong babaeng mangangalunya na nahiga sa malapad niyang higaan at pumayag na sumiping sa kanyang kalaguyo. Gustong-gusto niyang makipagtalik sa kalaguyo niya. Talagang nagpapakasawa siya sa pita ng kanyang laman.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagkat ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagpasok ng pinto, nagtayo kayo roon ng diyus-diyosan, ako'y nilimot ninyo at inyong nilayasan. Lubos kayong nag-alis ng suot ninyong damit; sa inyong higaa'y nakipagtalik sa mga lalaking inyong inupahan. Kayo ay natulog na kasama nila para pagbigyan ang inyong pagnanasa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagpasok ng pinto, nagtayo kayo roon ng diyus-diyosan, ako'y nilimot ninyo at inyong nilayasan. Lubos kayong nag-alis ng suot ninyong damit; sa inyong higaa'y nakipagtalik sa mga lalaking inyong inupahan. Kayo ay natulog na kasama nila para pagbigyan ang inyong pagnanasa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagpasok ng pinto, nagtayo kayo roon ng diyus-diyosan, ako'y nilimot ninyo at inyong nilayasan. Lubos kayong nag-alis ng suot ninyong damit; sa inyong higaa'y nakipagtalik sa mga lalaking inyong inupahan. Kayo ay natulog na kasama nila para pagbigyan ang inyong pagnanasa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.