Isaiah 58:2 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gayunma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang malaman ang aking mga daan; na parang sila'y isang bansa na gumawa ng kabutihan, at ang tuntunin ng kanilang Diyos ay hindi tinalikuran; hinihingan nila ako ng matutuwid na kahatulan, sila'y nalulugod sa paglapit sa Diyos.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dumudulog sila sa akin araw-araw, at tila gusto nilang malaman ang aking mga pamamaraan. Kung titingnan, para bang isa silang bansang matuwid at hindi sumusuway sa mga utos ko. Ipinapakita nila na parang gustong-gusto nilang lumapit sa akin at humingi ng matuwid na hatol.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gayon may hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; silay nangalulugod na magsilapit sa Dios.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinasangguni nila ako sa araw-araw, tinatanong nila ako kung paano sila mamumuhay. Kung kumilos sila ay parang matuwid, at hindi sumusuway sa mga tuntuning ibinigay ng kanilang Diyos. Humihingi sila sa akin ng matuwid na pasya; nais nila'y maging malapit sa Diyos.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinasangguni nila ako sa araw-araw, tinatanong nila ako kung paano sila mamumuhay. Kung kumilos sila ay parang matuwid, at hindi sumusuway sa mga tuntuning ibinigay ng kanilang Diyos. Humihingi sila sa akin ng matuwid na pasya; nais nila'y maging malapit sa Diyos.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinasangguni nila ako sa araw-araw, tinatanong nila ako kung paano sila mamumuhay. Kung kumilos sila ay parang matuwid, at hindi sumusuway sa mga tuntuning ibinigay ng kanilang Diyos. Humihingi sila sa akin ng matuwid na pasya; nais nila'y maging malapit sa Diyos.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.