Isaiah 58:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Iyan ba ang ayuno na aking pinili? Isang araw upang magpakumbaba ang tao sa kanyang sarili? Iyon ba'y ang iyuko ang kanyang ulo na parang yantok, at maglatag ng damit-sako at abo sa ilalim niya? Iyo bang tatawagin ito na ayuno, at araw na katanggap-tanggap sa PANGINOON?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kapag nag-aayuno kayo, nagpepenitensya kayo. Yumuyuko kayo na parang mga damong kugon. Nagsusuot kayo ng damit na panluksa at humihiga sa abo. Iyan ba ang tinatawag ninyong ayuno? Akala ba ninyoʼy nakakalugod iyon sa akin?
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran? Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbabá ang mga tao? Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin, o mahiga kayo sa sako at abo? Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan, isang araw na nakalulugod kay Yahweh?
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran? Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbabá ang mga tao? Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin, o mahiga kayo sa sako at abo? Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan, isang araw na nakalulugod kay Yahweh?
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran? Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbaba ang mga tao? Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin, o mahiga kayo sa sako at abo? Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan, isang araw na nakalulugod kay Yahweh?
Tagalog TLBA (Ang Biblia)