Isaiah 65:15 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Inyong iiwan ang inyong pangalan sa aking mga pinili bilang isang sumpa, at papatayin ka ng Panginoong DIYOS; ngunit ang kanyang mga lingkod ay tatawagin niya sa ibang pangalan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang inyong mga pangalan ay susumpain ng aking mga pinili, at ako, ang Panginoong Dios, ang papatay sa inyo. Pero ang aking mga lingkod ay bibigyan ko ng bagong pangalan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At inyong iiwan ang inyong pangalan na pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang pangalan ninyo'y susumpain ng aking mga hinirang, sa kamay ng Panginoong Yahweh kayo'y mamamatay, samantalang bibigyan niya ng bagong pangalan ang kanyang mga lingkod.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang pangalan ninyo'y susumpain ng aking mga hinirang, sa kamay ng Panginoong Yahweh kayo'y mamamatay, samantalang bibigyan niya ng bagong pangalan ang kanyang mga lingkod.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang pangalan ninyo'y susumpain ng aking mga hinirang, sa kamay ng Panginoong Yahweh kayo'y mamamatay, samantalang bibigyan niya ng bagong pangalan ang kanyang mga lingkod.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)