Isaiah 66:18 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Sapagkat nalalaman ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pag-iisip. Dumarating ang panahon upang tipunin ang lahat ng bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y paroroon at makikita ang aking kaluwalhatian.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Alam ko ang kanilang ginagawa at iniisip. Kaya darating ako at titipunin ko ang lahat ng mamamayan ng lahat ng bansa, at makikita nila ang aking kapangyarihan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may ibat ibang wika; at silay magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.