Isaiah 66:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pakinggan ninyo ang salita ng PANGINOON, kayo na nanginginig sa kanyang salita: "Ang inyong mga kapatid na namumuhi sa inyo na nagtatakuwil sa inyo alang-alang sa aking pangalan, ang nagsabi, 'Luwalhatiin ang PANGINOON, upang makita namin ang inyong kagalakan;' ngunit sila ay mapapahiya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kayong mga may takot sa salita ng Panginoon, pakinggan nʼyo ang mensahe niya, “Dahil kayoʼy tapat sa akin, kinapopootan at tinatakwil kayo ng ilan sa inyong mga kababayan. Kinukutya nila kayo na nagsasabi, ‘Ipakita na sana ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan para makita namin ang inyong kagalakan!’ ” Pero silaʼy mapapahiya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin ang inyong kagalakan; ngunit silay mangapapahiya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pakinggan ninyo si Yahweh, kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita: “Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin; at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayo para makita namin kayong natutuwa.’ Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pakinggan ninyo si Yahweh, kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita: “Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin; at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayo para makita namin kayong natutuwa.’ Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pakinggan ninyo si Yahweh, kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita: “Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin; at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayo para makita namin kayong natutuwa.’ Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin ang inyong kagalakan; nguni't sila'y mangapapahiya.