Jeremiah 10:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bawat tao ay hangal at walang kaalaman; bawat platero ay inilalagay sa kahihiyan ng kanyang mga diyus-diyosan; sapagkat ang kanyang mga larawan ay kabulaanan, at walang hininga sa mga iyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mga hangal at mangmang ang mga sumasamba sa mga dios-diosan. Mapapahiya lang ang mga platerong gumawa ng mga dios-diosan nila, dahil hindi naman totoong dios ang mga ito. Wala silang buhay.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Bawat tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawat panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagkat ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang; malalagay sa kahihiyan bawat panday sapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang; malalagay sa kahihiyan bawat panday sapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang; malalagay sa kahihiyan bawat panday sapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon.