Jeremiah 11:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit, O PANGINOON ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na sumusubok sa puso' at sa pag-iisip, ipakita mo sa akin ang iyong paghihiganti sa kanila, sapagkat sa iyo'y inihayag ko ang aking ipinaglalaban.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero nanalangin ako, “O Panginoong Makapangyarihan, matuwid po ang paghatol ninyo. Nalalaman po ninyo ang isip at puso ng tao. Ipakita nʼyo po sa akin ang paghihiganti nʼyo sa kanila, dahil ipinaubaya ko sa inyo ang usaping ito!”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagkat sa iyo inihayag ko ang aking usap.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At nanalangin si Jeremias, “O Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinapaubaya ko sa iyong mga kamay ang anumang mangyayari sa akin.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At nanalangin si Jeremias, “O Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinapaubaya ko sa iyong mga kamay ang anumang mangyayari sa akin.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At nanalangin si Jeremias, “O Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinapaubaya ko sa iyong mga kamay ang anumang mangyayari sa akin.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.