Jeremiah 13:17 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit kung hindi kayo makikinig, ang aking kaluluwa ay lihim na iiyak dahil sa inyong kapalaluan; at ang mga mata ko ay iiyak nang mapait at dadaluyan ng mga luha, sapagkat ang kawan ng PANGINOON ay dinalang-bihag.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung ayaw pa rin ninyong makinig, iiyak ako ng lihim dahil sa pagmamataas ninyo. Iiyak ako ng malakas at dadaloy ang mga luha ko dahil bibihagin ang mga hinirang ng Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit kung hindi ninyo didinggin, akoy iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagkat ang kawan ng Panginoon ay nabihag.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit kung hindi kayo makikinig, palihim akong tatangis dahil sa inyong kapalaluan; buong kapaitan akong iiyak, at tutulo ang aking mga luha sapagkat nabihag ang bayan ko.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit kung hindi kayo makikinig, palihim akong tatangis dahil sa inyong kapalaluan; buong kapaitan akong iiyak, at tutulo ang aking mga luha sapagkat nabihag ang bayan ko.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit kung hindi kayo makikinig, palihim akong tatangis dahil sa inyong kapalaluan; buong kapaitan akong iiyak, at tutulo ang aking mga luha sapagkat nabihag ang bayan ko.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.