Jeremiah 13:22 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At kung iyong sasabihin sa iyong puso, 'Bakit dumating sa akin ang mga bagay na ito?' Dahil sa laki ng iyong kasamaan ay itinaas ang iyong palda at nagdaranas ka ng karahasan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung tatanungin mo ang sarili mo kung bakit ka napahamak na parang babaeng pinunit ang damit at pinagsamantalahan, itoʼy dahil sa napakarami mong kasalanan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kung iyong sabihin sa puso, Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At kung itanong mo kung bakit nangyari ito sa iyo: kung bakit napunit ang iyong damit, at kung bakit ka pinagsamantalahan; ang dahilan ay napakabigat ng iyong kasalanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At kung itanong mo kung bakit nangyari ito sa iyo: kung bakit napunit ang iyong damit, at kung bakit ka pinagsamantalahan; ang dahilan ay napakabigat ng iyong kasalanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At kung itanong mo kung bakit nangyari ito sa iyo: kung bakit napunit ang iyong damit, at kung bakit ka pinagsamantalahan; ang dahilan ay napakabigat ng iyong kasalanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)