Jeremiah 18:17 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ikakalat ko sila na gaya ng hanging silangan sa harapan ng kaaway. Ipapakita ko sa kanila ang aking likod, hindi ang aking mukha, sa araw ng kanilang kapahamakan."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pangangalatin ko sila sa harap ng mga kaaway nila na parang alikabok na tinatangay ng hangin mula sa silangan. Tatalikuran ko sila at hindi ko sila tutulungan sa araw na lilipulin na sila.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Aking pangangalatin sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway; tatalikuran ko sila, at hindi ko haharapin, sa kaarawan ng kanilang kasakunaan,
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pangangalatin ko ang aking bayan sa harapan ng kanilang mga kaaway, gaya ng alikabok na hinihipan ng malakas na hangin. Tatalikuran ko sila at hindi tutulungan pagdating ng araw ng kapahamakan.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pangangalatin ko ang aking bayan sa harapan ng kanilang mga kaaway, gaya ng alikabok na hinihipan ng malakas na hangin. Tatalikuran ko sila at hindi tutulungan pagdating ng araw ng kapahamakan.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pangangalatin ko ang aking bayan sa harapan ng kanilang mga kaaway, gaya ng alikabok na hinihipan ng malakas na hangin. Tatalikuran ko sila at hindi tutulungan pagdating ng araw ng kapahamakan.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)