Jeremiah 20:12 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
O PANGINOON ng mga hukbo, na sumusubok sa matuwid, na nakakakita ng puso at pag-iisip, ipakita mo sa akin ang iyong paghihiganti sa kanila; sapagkat sa iyo ay itinalaga ko ang aking ipinaglalaban.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
O Panginoong Makapangyarihan, nalalaman nʼyo po kung sino ang matuwid dahil alam nʼyo ang nasa puso at isip ng tao. Ipakita nʼyo po sa akin ang paghihiganti nʼyo sa kanila dahil ipinaubaya ko na po sa inyo ang usaping ito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit, Oh Panginoon ng mga hukbo, na tumatarok ng matuwid, at nakakakita ng mga pagiisip at ng puso, ipakita mo sa akin ang iyong panghihiganti sa kanila; sapagkat sa iyo ay inihayag ko ang aking usap.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao, Yahweh, na Makapangyarihan sa lahat, alam mo ang laman ng kanilang mga puso't isip. Kaya ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao, Yahweh, na Makapangyarihan sa lahat, alam mo ang laman ng kanilang mga puso't isip. Kaya ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao, Yahweh, na Makapangyarihan sa lahat, alam mo ang laman ng kanilang mga puso't isip. Kaya ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na tumatarok ng matuwid, at nakakakita ng mga pagiisip at ng puso, ipakita mo sa akin ang iyong panghihiganti sa kanila; sapagka't sa iyo ay inihayag ko ang aking usap.