Jeremiah 21:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit parurusahan ko kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng PANGINOON; ako'y magpapaningas ng apoy sa kanyang gubat, at lalamunin nito ang lahat ng nasa kanyang palibot."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero parurusahan ko kayo ayon sa mga ginagawa ninyo. Susunugin ko ang inyong mga kagubatan hanggang sa ang lahat ng nakapalibot sa inyo ay matupok. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At aking parurusahan kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at akoy magsusulsol ng apoy sa kaniyang gubat, at susupukin niyaon ang lahat na nangasa palibot niyaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Paparusahan kita ayon sa iyong masasamang gawa. Susunugin ko ang iyong palasyo at lalaganap ang apoy sa buong paligid at tutupukin nito ang lahat ng naroon. Akong si Yahweh ang maysabi nito.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Paparusahan kita ayon sa iyong masasamang gawa. Susunugin ko ang iyong palasyo at lalaganap ang apoy sa buong paligid at tutupukin nito ang lahat ng naroon. Akong si Yahweh ang maysabi nito.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Paparusahan kita ayon sa iyong masasamang gawa. Susunugin ko ang iyong palasyo at lalaganap ang apoy sa buong paligid at tutupukin nito ang lahat ng naroon. Akong si Yahweh ang maysabi nito.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At aking parurusahan kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at ako'y magsusulsol ng apoy sa kaniyang gubat, at susupukin niyaon ang lahat na nangasa palibot niyaon.