Jeremiah 23:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya at lumalakad sa mga kasinungalingan; pinalalakas nila ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, anupa't walang humihiwalay sa kanyang kasamaan. Silang lahat sa akin ay naging tulad ng Sodoma, at ang mga naninirahan doon, sa akin ay tulad ng Gomorra."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero nakita ko ring mas masama pa ang ginagawa ng mga propeta ng Jerusalem dahil nangangalunya sila at nagsisinungaling pa. Pinapalakas nila ang loob ng masasamang tao para gumawa pa ng kasamaan, kaya hindi sila tumatalikod sa kasamaan nila. Ang mga taga-Jerusalem ay kasingsama ng mga taga-Sodom at Gomora.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: silay nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopat walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit mas lalo pang kasuklam-suklam ang namasdan ko sa mga propeta sa Jerusalem: Sila'y nangangalunya at mga sinungaling, pinapalakas pa nila ang loob ng gumagawa ng masama, kaya wala nang tumatalikod sa kanyang masamang gawa. Naging katulad na sila ng mga taga-Sodoma at Gomorra.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit mas lalo pang kasuklam-suklam ang namasdan ko sa mga propeta sa Jerusalem: Sila'y nangangalunya at mga sinungaling, pinapalakas pa nila ang loob ng gumagawa ng masama, kaya wala nang tumatalikod sa kanyang masamang gawa. Naging katulad na sila ng mga taga-Sodoma at Gomorra.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit mas lalo pang kasuklam-suklam ang namasdan ko sa mga propeta sa Jerusalem: Sila'y nangangalunya at mga sinungaling, pinapalakas pa nila ang loob ng gumagawa ng masama, kaya wala nang tumatalikod sa kanyang masamang gawa. Naging katulad na sila ng mga taga-Sodoma at Gomorra.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.