Jeremiah 27:18 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kung sila'y mga propeta, at kung ang salita ng PANGINOON ay nasa kanila, magsumamo sila ngayon sa PANGINOON ng mga hukbo, upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng PANGINOON, at sa bahay ng hari ng Juda, at sa Jerusalem ay huwag mapapunta sa Babilonia.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung talagang mga propeta sila at galing sa Panginoon ang sinasabi nila, manalangin sila sa Panginoong Makapangyarihan na ang mga kagamitang naiwan sa templo, sa palasyo ng hari ng Juda at sa Jerusalem ay huwag nang dalhin sa Babilonia.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit kung silay mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung sila'y talagang mga propeta, at kung salita nga ni Yahweh ang dala nila, ipakiusap nila kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na ang mga kayamanang natitira pa sa Templo, sa palasyo ng hari, at sa Jerusalem, ay huwag madala sa Babilonia.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung sila'y talagang mga propeta, at kung salita nga ni Yahweh ang dala nila, ipakiusap nila kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na ang mga kayamanang natitira pa sa Templo, sa palasyo ng hari, at sa Jerusalem, ay huwag madala sa Babilonia.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung sila'y talagang mga propeta, at kung salita nga ni Yahweh ang dala nila, ipakiusap nila kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na ang mga kayamanang natitira pa sa Templo, sa palasyo ng hari, at sa Jerusalem, ay huwag madala sa Babilonia.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.