Jeremiah 28:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa leeg ng lahat ng mga bansang ito upang sila'y maglingkod kay Nebukadnezar na hari ng Babilonia, at sila'y maglilingkod sa kanya. At ibinigay ko rin sa kanya ang mga hayop sa parang!'"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel ay nagsasabing: Ipapapasan ko ang pamatok na bakal sa lahat ng bansa, para maglingkod sila kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Pati ang mababangis na hayop ay ipapasakop ko sa pamamahala niya.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Akoy naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang silay makapaglingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at silay mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Lalagyan ko ng pamatok na bakal ang lahat ng bansang ito upang sila'y maglingkod kay Haring Nebucadnezar, at ito'y siguradong magaganap sapagkat maging hayop sa parang ay ipinasakop ko sa kanya.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Lalagyan ko ng pamatok na bakal ang lahat ng bansang ito upang sila'y maglingkod kay Haring Nebucadnezar, at ito'y siguradong magaganap sapagkat maging hayop sa parang ay ipinasakop ko sa kanya.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Lalagyan ko ng pamatok na bakal ang lahat ng bansang ito upang sila'y maglingkod kay Haring Nebucadnezar, at ito'y siguradong magaganap sapagkat maging hayop sa parang ay ipinasakop ko sa kanya.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.