Jeremiah 30:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Kaya't huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod, sabi ng PANGINOON; ni manlupaypay, O Israel; sapagkat ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong mga anak mula sa lupain ng kanilang pagkabihag. Ang Jacob ay babalik at magkakaroon ng kapayapaan at kaginhawahan, at walang tatakot sa kanya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Kaya huwag kayong matatakot, o manlulupaypay man, kayong mga lahi ni Jacob na lingkod ko. Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing kukunin ko kayo mula riyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kayat huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagkat narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob; at huwag kang manlupaypay, Israel. Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon; kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak. Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob, at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob; at huwag kang manlupaypay, Israel. Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon; kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak. Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob, at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob; at huwag kang manlupaypay, Israel. Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon; kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak. Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob, at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.