Jeremiah 30:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ako'y kasama mo upang iligtas ka, sabi ng PANGINOON; lubos kong lilipulin ang lahat ng mga bansa na kung saan ay ikinalat kita, ngunit tungkol sa iyo ay hindi kita lubos na lilipulin. Parurusahan kita nang makatarungang sukat, walang pagsalang hindi kita iiwan na hindi napaparusahan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kasama ninyo ako at ililigtas ko kayo. Lubusan kong wawasakin ang mga bansang pinangalatan ko sa inyo pero hindi ko ito gagawin sa inyo. Ngunit hindi rin ito nangangahulugang hindi ko kayo parurusahan. Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat akoy sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagkat gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, ngunit hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo; kundi sasawayin kita ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ako'y sasainyo at ililigtas ko kayo. Lilipulin ko ang lahat ng bansang pinagkalatan ko sa inyo; subalit kayo'y hindi malilipol. Paparusahan ko kayo nang marapat, ngunit ako'y magiging makatarungan sa inyo.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ako'y sasainyo at ililigtas ko kayo. Lilipulin ko ang lahat ng bansang pinagkalatan ko sa inyo; subalit kayo'y hindi malilipol. Paparusahan ko kayo nang marapat, ngunit ako'y magiging makatarungan sa inyo.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ako'y sasainyo at ililigtas ko kayo. Lilipulin ko ang lahat ng bansang pinagkalatan ko sa inyo; subalit kayo'y hindi malilipol. Paparusahan ko kayo nang marapat, ngunit ako'y magiging makatarungan sa inyo.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo; kundi sasawayin kita ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.