Jeremiah 33:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan, ang mga tinig ng lalaking ikakasal at ang tinig ng babaing ikakasal, ang mga tinig ng mga umaawit, habang sila'y nagdadala ng handog na pasasalamat sa bahay ng PANGINOON, 'Kayo'y magpasalamat sa PANGINOON ng mga hukbo, sapagkat ang PANGINOON ay mabuti, sapagkat ang kanyang kagandahang-loob ay nananatili magpakailanman!' Sapagkat aking ibabalik ang mga kayamanan ng lupain gaya nang una, sabi ng PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Muling maririnig ang kagalakan ng mga bagong kasal, at ng mga taong nagdadala ng mga handog ng pasasalamat sa templo ng Panginoon. Sasabihin nila, ‘Magpasalamat tayo sa Panginoong Makapangyarihan dahil napakabuti niya. Ang pagmamahal niyaʼy walang hanggan.’ Talagang magsasaya ang mga tao dahil ibabalik ko ang mabuting kalagayan sa lupaing ito katulad noong una. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, Kayoy mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagkat ang Panginoon ay mabuti, sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagkat aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit darating ang panahon na muling maririnig sa lugar na ito ang katuwaan at kasayahan, ang tinig ng mga ikinakasal habang sila'y nasa bahay ni Yahweh upang maghandog ng pagpupuri at pasasalamat; maririnig ang sigawang, ‘Purihin si Yahweh, na Makapangyarihan sa lahat, dahil sa kanyang kabutihan, pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!’ At ibabalik ko ang kayamanan ng bayan. Ako, si Yahweh, ang maysabi nito.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit darating ang panahon na muling maririnig sa lugar na ito ang katuwaan at kasayahan, ang tinig ng mga ikinakasal habang sila'y nasa bahay ni Yahweh upang maghandog ng pagpupuri at pasasalamat; maririnig ang sigawang, ‘Purihin si Yahweh, na Makapangyarihan sa lahat, dahil sa kanyang kabutihan, pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!’ At ibabalik ko ang kayamanan ng bayan. Ako, si Yahweh, ang maysabi nito.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)

Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagka't ang Panginoon ay mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagka't aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon.