Jeremiah 44:4 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gayunma'y masugid kong sinugo sa inyo ang lahat kong mga lingkod na propeta, na nagsasabi, 'O huwag ninyong gawin ang karumaldumal na bagay na ito na aking kinasusuklaman!'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Palagi kong isinusugo ang mga lingkod ko na mga propeta para bigyan sila ng babala na huwag nilang gagawin ang bagay na iyon na kasuklam-suklam sa akin at kinapopootan ko,
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gayon may sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gayunman, patuloy kong sinugo sa inyo ang aking mga lingkod na propeta. Sinabi nila sa inyo, ‘Huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na bagay na iyan.’
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gayunman, patuloy kong sinugo sa inyo ang aking mga lingkod na propeta. Sinabi nila sa inyo, ‘Huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na bagay na iyan.’
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gayunman, patuloy kong sinugo sa inyo ang aking mga lingkod na propeta. Sinabi nila sa inyo, ‘Huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na bagay na iyan.’
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gayon ma'y sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan.