Jeremiah 48:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Ang Moab ay tiwasay mula sa kanyang kabataan, at nagpahinga sa kanyang mga latak, hindi pa siya isinasalin mula sa isang sisidlan patungo sa isa pa, ni dinala man siya sa pagkabihag: kaya't narito, ang kanyang lasa ay nananatili sa kanya, at ang kanyang bango ay hindi pa nababago.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Tahimik ang pamumuhay ng Moab mula pa noon. Hindi pa ito nakaranas ng pagkabihag. Parang alak ito na hindi nagagalaw o naisasalin man sa isang sisidlan. Kaya ang lasa at amoy nitoʼy hindi nagbabago.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siyay nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kayat ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Namuhay na panatag ang Moab mula sa kanyang kabataan,” sabi ni Yahweh. “Siya'y gaya ng alak na hindi nagagalaw ang latak. Hindi siya isinasalin sa ibang sisidlan; hindi pa siya nadadalang bihag. Kaya hindi pa nagbabago ang kanyang lasa, at ang kanyang amoy ay hindi pa nawawala.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Namuhay na panatag ang Moab mula sa kanyang kabataan,” sabi ni Yahweh. “Siya'y gaya ng alak na hindi nagagalaw ang latak. Hindi siya isinasalin sa ibang sisidlan; hindi pa siya nadadalang bihag. Kaya hindi pa nagbabago ang kanyang lasa, at ang kanyang amoy ay hindi pa nawawala.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Namuhay na panatag ang Moab mula sa kanyang kabataan,” sabi ni Yahweh. “Siya'y gaya ng alak na hindi nagagalaw ang latak. Hindi siya isinasalin sa ibang sisidlan; hindi pa siya nadadalang-bihag. Kaya hindi pa nagbabago ang kanyang lasa, at ang kanyang amoy ay hindi pa nawawala.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siya'y nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kaya't ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago.